
STORY 1
Isang gabi, nagising ako sa sobrang init at dami ng lamok na pumapapak sa katawan ko.
Brownout noon kaya wala ako masyadong makita sa kadiliman. Pag tingin ko sa orasan 1:15am palang pala.
Glow-in-the-dark ang orasan ko kaya kita agad kung ano oras. Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko nakatayo ang aking auntie. Peru dahil nga sa kadiliman ay hindi ko maaninag ang hitsura niya. Tinanung ko siya , " ano ginagawa mo dyan,bat nandyan ka"? Ngunit di sya umiimik at nakatayo't nakatingin lang sa akin sa may pinto. Dahil nga medjo malabo ang mata ko ay pilit ko siyang tinititigan at inaaninag ang mukha niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napamura pako ,"&$#*ina naman nagulat ako sayo". At nang ini-on ko ang ilaw ng cp ko at pinailawan siya. Napasigaw ako sa sobrang takot. WALA SIYANG MUKHA.
Sa lakas ng sigaw ko na tila tili ng bakla ay nagising ko ang aking mga kasama sa bahay at kwenento ko ang nangyari. "pagpunta niyo dito, bigla nalang nawala". Hindi nako nakatulog nun at hinintay na lamang ang umaga.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
STORY 2
Gaya ng ordinaryong araw, gumagawa ako projects sa aking kwarto. 8pm nang magpasya akong bumaba at kumain. Wala pa sa bahay ang mga kasama ko kaya't kumain akong magisa. Pagkataposay tumaas uli ako, kinuha ang yosi at nag-yosi sa aking kwarto. Nang naubos ko na ang yosi, binuksan ko ang bintana upang itapon ang upos nito. (Yung bintana namen, sa likod nito ay bakanteng lote at puno ng damo.)
Pag tingin ko sa labas ng bintana ay may nakita akong babaeng naka-puti, at naka-tingin sa aking bintana. Alam kong hindi yun ordinaryong babae, alam kong white lady yun, peru di ko na lang ito inintindi at pinilit ang aking sarili na huwag kabahan. Humiga ako sa kama , nagtakip ng kumot at nagdasal. Habang ako'y nagdadasal, una may naririnig akong tunog ngunit mahina lang. Di ko ito pinansin at tinuloy parin ang aking pagdasal. "Our father, heart in heaven...."
Sa kalagitnaan ng aking pagdadasal ay tila lumalakas ang tunog na naririnig ko,ngunit wala namang radyo o tv na naka-on. Hininto ko ang aking pagdadasal habang nkatakip parin ng kumot. Nang bigla nalang may nagsalita malapit saking tenga , "OUR FATHER HEART IN HEAVEN......"
Napasigaw ako ng "Lumayo Ka!!!!"
Ilang minuto ang lumipas at nawala na ang tunog at boses.. Tinanggal ko na ang takip na kumot. Nagtaka ko, bat ganun, ginagaya niya ang sinasalita ko.

|
Whoa, katakot naman un. Hindi ko alam kung may ganitong topic na peroo...
haha. Ako rin naka-experience na once. Pero di ko na pinansin.
Haha.
|

pansin ko kasi puro love story , poems ang mga topic.. post naman kau ng ghost exp. niyo. Peru totoong na experience ko to. O, kayo naman.

|

OMG.
Nakakatakot naman 'yan. Yung ikalawa lang yung binasa ko kasi takot na takot na 'ko. Lol. Haha.
|

O my God! Takot ako dun ah! alas 5 palang dito sa amin pero takot na takot na ako e. So far,wala pa akong naexperience na kakatakotan. : ]] nice one bro. ![]()
|
Haha, yung akin naman.. hehe. Eto naah.
Nagbabasa kasi ako ng Twilight nun, eh nagpuyat ako para maaga kong matapos. Tapos, nung nag-alas dose, parang biglang lumamig. Para bang.. may humihipan sa may batok ko. Kahit takot na ko, tinuloy ko lang ang pagbabasa. Tapos, parang may naglalakad. Hindi ko pa rin pinansin. Tapos, may kumakatok sa bintana. Takot na ako nun, pero parang nag-tapang-tapangan ako. Wala na ang moo-moo! 
Ito naman ung hindi ko experience. Haha.
My tita, natutulog na siya sa may kama niya. In the middle of the night, nagising siya at may nakitang babaeng nakatayo sa harapan niya. Kinalabit pa nga daw siya ee, akala niya ung kapatid ko iyon. Pero, kinabukasan, nalaman niya palang hindi siya iyon. Mga ilang araw ang lumipas, my other tita saw the same girl. It's weird, pero.. I dunno, siguro nga may moo-moo sa bahay namin!
Haha, pero hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga moo-moo.
Pray tayoo, and have faith on God always.
[kahit minsan takot na takot na kooo.]
|

ghosts are real. believe me. The truth is out there.

|

Story 4 : The typewriter
Kagagaling ko lang sa bahay ng kaibigan noong araw na yun, nang paguwi ko ay napansin ko ang isang lumang type writer nakapatong sa dining table. Tinanung ko kung san galing ito, sabi ng aunt ko ay binili ng mom mo sa kaibigan niya. Sabi ko naman ey bakit siya bibili ng ganyan eh luma na.
Kinagabihan, nagising ako malapit na mag 12mn. Sa taas ako natutulog noon , nang may narinig akong nagta-type at gumagamit ng typewriter, hindi ko ito pinansin at tinuloy nalang ang pagtulog. Kinabukasan, ordinaryong araw nanaman. Hanggang sa kinagabihan, ay nagising nanaman ako sa ingay dulot ng typewriter.
Sa kainisan ko ay isunot ko nalang ang aking earphones at ino-on ang ipod para makinig ng music.. Kinabukasan ng gabi, ay ganun nanaman. Hindi nako nakatiis kaya't bumaba nako upang tingnan kung sino ang gumagamit ng typewriter. Pag baba ko ay nakita kong naka off ang ilaw kung saan naandoon ang typewriter. Ini-on ko ang ilaw at pagtingin ko ay wala namang tao. Nagtaka, bat ganun, guniguni ko lang ata. Nang i-off ko ang ilaw at isasara na ang pinto nang biglang nagsimulang magtype ito magkusa. Sa takot ko ay tumakbo ko pataas at madapa-dapa na sa hagdan. Ginising ko ang auntie at mom ko upang sabhin ang nangyari. Kinabukasan ay pinuntahan namen ang may-ari upang isauli at magrefund. Ngunit pagpunta namen doon ay sabi ng anak nito na noong araw na binili ang typewriter ay inatake sa puso ang kanyang nanay kinagabihan. Importante sa kanyang ina ang typewriter daw na yun.. Kaya ang ginawa namen ay ibinigay nalang ito sa kanila uli na wala na kinukuhang refund.

|

|

whoa?!
ill post mine its true
one night in my big bedroom kasama nang yaya ko, 10:00pm, nakikinig ako sa radio then bigla nalang may humalakhak na parang lumalakad that passed by me. nung una ndi ko pinansin then humalakhak again then i said ya? narinig mu yun? then she oo these past few days raw before yun nahappen may naririnig daw syang mga footsteps, then after telling me that , narinig namin na may pumatang sa aircon na parang langgam.. na malaki.
then , sinabi ko ayuko nang matulog dito!!! then after months.. tuwing luchbreak ko from school, pag mag urinate ako or mag toothbrush... maynaririnig akong footsteps!! and i said "sh*t" nu ba toh? then thinked na aah wla lang yun!
so yun!
yee

|

Dark_Black wrote:
"OUR FATHER HEART IN HEAVEN......"
diba "Who art in heaven" yun?? 
|
aq, waLa pang experience.. waLa qng 3rd eye eh.. pero share q ung sa friend q..
Isang gabi, nagkayayaang mag-inuman mga dabarkadz ng friend q.. then, aun, inom dito, tagay dun.. hanggang my isa sa kaniLa na magc.c.r. pagpasok nya sa cr, may salamin.. then after nyang magbawas, xempre, tingin muna sa salamin taz pagkkita nya sa reflection nya, may babae sa likod nya.. styLe sadako.. so ang ginawa nya is pumikit then nagdasal ng Our Father.. nung ntpoz n ung prayer, nagmuLat xa at nung pagmulat nya, nasa side na nya ung white Lady, nakaharap sa kanya, nanlilisik ung mata at ginagaya ung prayer nya.. aun.. haLos magkandadapa xa pabalik sa kasama nya..
dapat ata pag nakakita ka ng mga ganyan, ang dapat na prayer eh ung hindi memorize.. kc nd n effective pag ung memorize ang dadasaLin.. sabi Lang..
|
^ I agree. Dpat own prayer nalang. Kasi pag memorize mo, parang hindi naman from the heart. 
So ayun. Wala naman akong experience, pero share ko nalang yung kababalaghan sa dati kong school. 
Experience to ng bio teacher ko. Ayun. May isang portion kasi ng school namin, ang yun yung math clinic. Tapos yung math clinic, uh, hindi siya masyado napupuntahan ng mga students kasi mejo malayo sa main place ng campus. Yung founder nga ng school namin, gusto niya magkaroon ng students dun, kaso hindi na-accept yung idea nya. But anyway, ayun nga, naglakad yung bio teacher ko papuntang math clinic. Tapos, may isang student daw na nakakita sa kanya from guard house.
Pagkabalik niya sa faculty, yung student na yun, pumunta din ng faculty. Tapos sabi nung student, "Mam, pasampal naman po. Sige na." Siyempre ngaulat bio teacher ko. Kasi naman, sabi ng student nakita daw nya si Mam Bio na naglalakad papuntang math clinic na walang ulo. Tapos, yun. Ayaw naman pasampal ng teacher ko. Sabi rin nung isa kong TLE teacher sa student, "Sensya na, hindi kasi naniniwala sa multo yan." Tapos yun, the student kept on insisting na sampalin daw nya si Mam Bio para mawala yung curse. Pero ayaw tlga.
Tapos yun. Good thing wala naman daw nangyari sa kanya after nun. :] By the way, this story happened uhm, I think 1999 pa, nung bago pa yung school. 
|

@TS:
Nice idea. I have a suggestion: since everyone's sharing, could you compile the stories into a spoiler, all in your first post? That way it'll be easier for the viewers & we won't miss any of the stories
- Also, don't forget to credit the authors you're quoting from.
Ex.
Story 1 - "Title to attract the readers"Story 2 - "Title"
and so on..etc
|

grabe ang dami niyong naexperience na paramdam
actually ako hindi ako nakakaramdam pero nakakakita ako
kasi meron daw akong "third eye"
here's one of my stories(isa nalang isha2re ko kasi madami akong experiences na talagang nakikita ko)
other instances naman sa bahay namin at sa iba kong friends ganun din,at kapag tinanung ko un friend ko na may ari ng bahay,parehas daw kami ng description etc.
Last edited by ino24 (2009-11-26 04:12:37)


|

katakot naman,pinaka ayaw kung stories ung sa school kc ung school namin ginawa on top of an old school na natabunan ng lahar dahil sa pinatubo. (syempre may ibang students,teachers and a priest who were not lucky and did not live because of this. May priest kc may church na malapit sa school namin na ginawa naming gym,so it's most likely haunted. mostlikely kc hindi kmi sure kung mron nga) Ung kapatid ko and ung classmates nya ay may nakita na sa com lab,c.r and classroom pero ako personally wala pa.....and i don't think i'd ever want to see a ghost 
Last edited by Mr.Quigs (2009-11-27 10:36:30)
|

Dark_Black wrote:
"OUR FATHER HEART IN HEAVEN......"
correction dude: It's "Our Father who ark in Heaven"
anyways. nice ung compilation nyo ng ghost stories. Di nga lang nakakatakot ng sobra.
haha. try ko magpost dito soon. 
|