014
"Bakit gusto mokong sumama?"
"Wala lang."
"Wala lang? Okay. I'd rather party at the Fort with Marga and company." Tumalikod na kaagad ako.
"Wait~"
"What?"
"Sige na nga. Kasi.. ano... kasi ano.."
"Ano?"
"Kasi-"
"Ewan ko sa iyo, Manuel."
"Sige.. kasi pag di ka sumama.. it would be the longest days of my life."
Bigla ulit akong napatingin sa kanya.
"Ano?"
"Naman e.. ipapaulit pa.. narinig niya naman."
"Ah ganun? Sensya, maganda akong binge ha?" I opened my car at papasok na sana when he held my arm.
"Sige na nga.. boring pag wala ka.. plus.. matagal yung two days.." He looked at his feet. "Tsaka.. unfair ata kung paparty ka sa Fort without me, diba?"
"Ugag!"
"Leeeeee.. please?"
I smiled to myself.
"Basta... wala si anoo..."
"Sino?"
"Patayin kita eh!"
"Loko lang. Hahaha. Oo, wala siya. Ikaw lang." 
"Ayoooon. Sunduin moko bukas. Wag kang late ha?"
"Thanks Lee! I love you!" Bigla niya akong niyakap. Bigla rin naman akong nawala sa sarili. Damn it. Tigilan mo iyan..
"Wag po.."
"Loka-loka!" Sabi niya at binitiwan ako. "Sunduin kita bukas ha?"
"Oo nga eh. Byeee!" Pumasok nako kagad sa kotse. Then he knocked at my window. "Ano na naman? Miss mo na ko?"
"Asa ka pa! Errr... sunod ako sa iyo ha? Baka mapano ka pa diyan.."
"Sus... sweet mo naman. Kikidnapin mo ako e!"
"Crazyyyy." He whispered and went away. Ayun, convoy kami. Ang sosyal diba? Instant bodyguard. Hahahahha.
) Pag nasiraan, instant mekaniko din. Kelan pa kaya ang instant boyfriend?
"ANOOOOO?!" I said to myself. Loka-loka na talaga siguro ako. May boyfriend pa akong pinagsasabi. Damn it. Wala ngang ganyanan. Naman e..
Nang makarating kami sa bahay, nagbyebyebye na siya.
"Ingat sa daan." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Wag kang mangrape ha?"
"Baka ibig mong sabihin, wag sana akong marape?" Tumawa si Manuel and off he sped away.
Napangiti na naman ako sa sarili ko. OA talaga ng lalaking ito.
I packed my clothes and essentials for traveling. Nakakaloka. After so many years, ngayon lang ulit ako makakapagroadtrip. Party nang party nalang kasi eh. Buti naman, kahit papano, may maaamoy akong non-polluted air. :]
9 AM.
Manuel
- you up?
* yeah.
Manuel
- cming nako.
* sure. waiting here.
Manuel
- good. :]
* wag nang magtext, ingat sa pagdrive.
Manuel
- traffic e.
* sige, magtext ka pa, para sa hospital diretso mo mamaya.
Manuel
- sama mo!
* sama talaga ako.
Manuel
- ewan ko sa iyo. singkamas!
* oo, singkamas na, maganda naman!
Manuel
- kainin kita eh!
* lika, kainin moko.
Manuel
- drive nako.
* ingat nga.
Singkamas daw? Sama talaga neto.

Bakit singkamas? Kasingputi ko raw kasi yung singkamas, pero yung ugali kasing itim din daw pag nahahaluan na ng toyo ang singkamas. Sama niya no? Pero sabi niya, mas masarap daw pag may toyo. LOL! Anong ibig sabihin nun?

"Tagal mo naman eh."
"Eh, tama lang naman ah."
"You owe me ha.. tagal maghintay."
"Arte neto." He looked around. "San na dala mo?"
"Eto." Pinakita ko sa kanya yung bag ko.
O_O
"Ayan lang? Linoloko mo ba ako?" He looked around expecting to see my cabinet.
"Eh, eto lang nga eh. Gusto mo dalhin ko kwarto ko?"
"Di nga, Lee?"
"Oo nga! Naman eh.." Nagtampo na ako. "Wag mokong badtripin di na ko sasama maya sa iyo."
"Okay, okay. Tara na." He said and kinuha niya yung bag ko. "Tsk tsk."
"Stop wondering kung san ko nilagay mga gamit ko."
He chuckled. "I didn't expect you'll be a light traveler."
"Yeaah, now you know." I winked at him.
Then off we go to Tagaytay!

We met with his friends at some place sa labas ng metro.. kaya pala gusto niya akong isama kasi may mga girlaloo yung mga friends niya.
"Now I know why you wanted me to come.." Naningkit ang mga mata ko.
"I want your company." He smiled.
"Oh reaaaaalllyyyyy? Or you just want a date?"
"NAKU NO! Kung date na man lang, edi sana si ano-"
"SINO?!"
"Ayy.. si Cassandra." :\
"At sino naman yan?"
"Si KC! Loko."
"Ay, asa ka pa! Kala ko naman kung sino.."
"Selos ka no?"
"Asa ka pa!"
"Drive thru tayo, Lee."
"OH SURE!"

I love drive-thrus. Matakaw ako eh. Plus treat ni Manuel lahat nang to. So better take the chance and never say no to blessings.

"CHICKENJOY!"

"Asa ka.. B1 lang yung sa iyo."
"Hala, baket? Dapat chickenjoy!"
"Drive thru lang nga e."
"Eh, Manueliskieks naman eh. I'm hungry..."

"Ano sabi mo?"
"I'm hungry.."
"Hindi, ano tawag mo saken?"
"Ewan ko."
"Hmp."
"Hahhha! Manueliskieks." Hahahah! Tumawa ako ng malakas.
"Walang chickenjoy! Singkamas ka!"
"Ang sama nito o.."
Dun ko lang nanotice na yung attendant ng Jollibee kanina pa nakadungaw samin. She looked irritated na. LMAO.
"Loko ka, umorder ka na.. galit na si Miss o."
"Ay, oo." He smiled at the attendant. "Sorry, Miss ha."
"No problem sir." Nagpacute naman kaagad.

"Hmm, jollyhotdog tsaka.."
"Chickenjoy." I smiled.
"Hindi-"
"Chickenjoy Miss.

Ipunch mo na.. bilis.." Nagpacute nadin ako sa babae.
"B1 lang yung sa iyo."
"Tumahimik ka!" I shouted at Manuel and covered his mouth and he's trying to take my hands off. "Gutom na ako, tumahimik ka or ikaw ang kakainin ko.."

Then I smiled sa babae. "Chickenjoy and jollyhotdog please."
"Hala.. monster!"
"Hmf."

At ayun nga, napunch na nang attendant, kaya walang choice si Manuel kundi bayaran ang inorder namen. Nyahahahhaahah. Kala mo ha..
Nung dumating na kami sa Tagaytay, sobrang ganda ng place kasi resthouse ng tito ng friend niya. So ganda ng view talaga. As in, pag dumungaw ka sa balcony, at kung suicidal ka, you can just freaking jump nalang! HAHA!
"Naku, pare. When I was 16 at binasted ako ng nililigawan ko for 3 years, pumunta ako dito and was even tempted to jump off the cliff." Sabi ni Tony and everyone laughed.
"Ba't di natuloy?" I asked innocently. Bigla namang nagtinginan yung mga friends niya saken. WHAATT? I'm just asking. I don't mean anything by that. :\
"She's kind of... brutal eh." Manuel whispered and smiled. Siniko ko naman kaagad siya.
"Well, kasi.. I kind of knew na I'm going to meet her." Tony smiled at his girl and she smiled back.
Awwww. Cheesy.

"How about you, Lianne? Hindi ka pa ba naging suicidal?"
"Hindi pa." I chuckled naughtily. "Havent met that person who would make me jump off the cliff yet. And di pa ako nababaliw." I smiled.
Napatango narin yung mga girls naman. "I totally agree!" Sandra answered.
At ayun, we ate dinner na and kanya-kanya nang pasok sa kwarto. And damn! I was kind of shocked to know (na hindi na dapat because these kind of trips are expected to have you and your partner in one room) that Manuel and I will be sleeping in one room.
"I'm sorry." He said when he opened the door and saw the bed.
"No, I'm used to this." I smiled.
"Rea-"
"Just don't touch me.." I winked.
"Asa ka pa!"
And ayun, some of us tried to take a nap muna for the late night drinking session with his friends. I arranged my things na on the cabinet and the bathroom. Inarrange ko narin yung mga gamit niya kasi naman medyo di marunong eh. Guys will be guys.
"I'll just sleep at the floor nalang, hihingi lang ako ng comforters and everything."
"I feel insulted."
"Huh? Why?"
"Kasi you dont want to sleep with me."
Bigla naman siyang nabigla. "Damn!"
"What?"
"It's not like that Lee.. it's just that.. I respect you and-"
"Hahahhahah! Dummyyyy!"
Bigla naman siyang napahinga ng malalim. "Sige, tawa pa."
Sumakit ata tyan ko sa kakatawa eh! Hahahaha.

Kala naman okay lang saken na tumabi siya.

Paglabas ko ng room, I was surprised to see Janice.. wait-what? JANICE?!
"Oh, hey Lee." Nakatayo lang ko dun nakatingin sa kanya. "Lee?"
"Hu-hiiiii! Janice." I grinned at her. "You're here..."

PLASTIC ko naman.
"Yeah.. why?"
"Wala... I was just surprised.. wow!" Alanganin yung ngiti ko. Damn.
She chuckled. "Surprise!"
"He-he-he. Excuse me, comfy lang ako." Bumalik ako ng kwarto and Manuel followed. Pumasok ako ng bathroom at naupo lang sa toilet. Nanginginig yung tuhod ko and everything. Gusto kong kagatin yung kamay ko and scream to hell!
"Leee-" He knocked. I didn't answer. "Lee, come on."
"Akala ko ba wala siya?" I asked in a very low voice.
"I don't know.. she said di siya pupunta so I asked y-"
"So you asked me? Kasi wala siya? Kasi di sya pupunta?" I was horrified. Ano ako? Panakip butas? My tears started to well up my eyes. SHIT!
"No Lee-"
I opened the door and faced him.
"What am I then? Panakip butas kay Janice?"

"Shit, no! Of course not.. it's not like that-"
At ayun, kumawala na ang isang luha na pilit kong pinipigil.
"Oh shit.. Lee, don't cry.. I'm so sorry.. Lee please.." He suddenly hugged me and I didn't know what to say nor feel. Everything felt right and it seemed like there was no Janice existing in the world. And yet, I know deep inside, the hug he's giving me is something like a candy you give to a little girl to stop crying. :\
And that's what the hug is for... just to make me stop crying.